
Ako’y isang saranggola,
Akala mo’y malaya.
Subalit pisi ay nasa kanya,
Kontrolado nya pala.
Nais kong magpa-Kanluran,
Ngunit nais niya ay sa Silangan.
Hila niya ako patungo sa nais niyang puntahan,
Nakasunod naman ako ‘pagkat ako’y isang saranggola lamang.